Thursday, March 22, 2007
Song of the Moment

"kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo...
para hanapin... para hanapin ka..."

- Sundo by Imago


Posted at 03:31 pm by siep
Make a comment  

Sunday, March 18, 2007
OCEAN AVENUE

YELLOWCARD SO MUCH ROCKS!!!!

http://www.youtube.com/watch?v=vZDElPsAtYw


Posted at 06:17 pm by siep
Make a comment  

Ako rin...

Naghahanap...
ng pagmamahal...

*nuff said


Posted at 05:07 pm by siep
Make a comment  

Friday, March 02, 2007
ang aking ikaw

hindi ko pipintasan ang suot mo.
pipiliin ko ang mga salita ko para wag kita ma-offend.
pag tinanong mo ako kung tumataba ka na,
ngingiti ako, sasabihin ko na hindi ko
napapansin na tumataba ka..
dahil oo man o hindi, talo mo pa rin si Angelina Jolie.

hahaplusin ko ang buhok mo.
sisimuyin ko ito pag hinahangin ito at humahampas
sa mukha ko.
at kahit magpagupit ka ng maikli,maganda ka pa rin.

sasamahan kitang manood ng "chick movies"
kahit kailan, basta gusto mo.
sasamahan kitang mamili ng damit mo o kaya maggrocery.
ako pa magbubuhat ng pinamili mo,
ibibili kita ng napkin sa 7-eleven kung
tinatamad kang lumabas dahil sa dalaw mo
at di ako mahihiya sa counter pag binili ko yun.

magpapaalam sa iyo, lalo na pag boys night-out.
hindi ako maglalasing, at di ako mag aamoy lasing.
magttoothbrush ako ng sampung beses at mouth wash ng labing isa
bago kita kausapin kinaumagahan. kahit sa telepono lang.
lagi akong magmumukhang desente para sa iyo.

uubusin ko kung anuman ang niluto mo.
kahit puro kalabasa pa yan o puro ampalaya.
lagi kong isasara ang bowl sa CR nyo pagkatapos kong gamitin.
magpupunas ako ng sapatos para di maputikan ang sahig nyo sa bahay twing naroon ako.

iintayin kita sa bawat oras na gagabihin ka.
at kung ayaw mo man pahatid, di kita pipilitin.
lagi akong magloload ako palagi para ma kamusta ka.
laging bukas ang fone ko para madali mo akong ma-contact.
hindi ako matutulog unless alam kong safe ka.

kung may mambabastos sa iyo, sasapakin ko.
kung di ko kaya, pagtulungan natin.
kung di natin kayang pagtulungan, papulis na natin.
magiging matapang ako, ako ang bodyguard mo.

hindi kita aawayin sa telepono.
magiisip muna ako bago magsalita, kahit inis na inis na ako.
kung kailangan kong ipahiwatig ang inis ko,
pipiliin ko ang mga salita para di ko masaktan ang feelings mo.
hindi kita babagsakan ng telepono.
di kita kukulitin kung ayaw mo na munang makipagusap.

papakiramdaman ko ang mga kailangan mo.
kung malungkot ka, papasiyahin kita.
kung kailangan mo ng oras mag-isa, di kita gugulihin.
kung kailangan mo ng punching bag, iaalay ko ang braso ko.
kung kailangan mo ng balikat na dadantayan ng ulo,
di mo na kailangang sabihin, andyan na balikat ko.

susubukan kong maging yung tao na andyan palagi para sa iyo.
hindi man physically present, pero andyan sa oras na kailangan mo.
at sana makilala na kita.
kasi handa na ako para sa iyo.
sana handa ka na rin.


Posted at 04:34 pm by siep
Make a comment  

dahil hindi

 
dahil hindi ko alam. at di ko kayang magalit sa iyo.
di kita kayang iwasan. di ko kayang magpanggap
na masaya ako kahit wala ka, kahit di mo ako
napapansin.

dahil hindi ko alam ang dahilan.
dahil hindi ko alamg ang sasabihin.
dahil hindi ko alam ang mararamdaman.
ito ay desisyon mo.
at wala akong magagawa doon.

dahil hindi.
kaya ako nalulungkot.


Posted at 11:39 am by siep
Make a comment  

Sunday, February 25, 2007
Moonlight over Guadalupe

eto na naman ako. nalulungkot. o dahil di ko alam kung anong dapat kong maramdaman kaya pinili ko na lang malungkot. basta ang alam ko, di ko kayang piliin maging masaya ngayon. di ko lang talaga kaya.

habang tumatagal ang araw, mas nahuhulog ang loob ko sa iyo. ang bawat sandali ay parang sing-tagal ng walang hanggang kasiyahang naidudulot nito sa puso ko. at sa bawat kaunting piraso ng alaala na kasama ka ay parang ang lahat na para sa isipin ko.

pero di ako sigurado. sa mga oras na nakikita ko na wala naman talaga akong pinagkaiba sa lahat. na hindi "something special" ang nangyayari sa atin. siguro sa akin oo, pero sa iyo, hindi ko alam. maaring hindi (pero salamat sa Diyos kung oo). pero mas malamng hindi. mas malamang wala. dahil na rin sa nakikita ko. dahil sa naririninig ko.

at dun ako nalulungkot.dahil hindi ko alam ang gagawin. ipinagsisigawan ng kaluluwa ko na ikaw ang nais ko, at ikaw ang kailangan ko... ngunit paulit ulit na tumatambad sa akin ang maaring resulta ng pag papabaya ko sa damdamin na ito.na magkamali. na naman.

ikaw ang pinaka matamis na pagkakmali ko. at yun ay kung ako ay mamalasin. ngunit kung hindi, maiiwan lang ang pinaka matamis at magiging tambal ito ng pagtingin ko sa iyo. sa damdaming di mapigil ng isipan.

naiinggit ako sa mga taong may kasama. na hindi nag-iisa. na magkasamang nangangarap. magkasamang lumalabas. magkasamang namimili ng gamit para sa kanilang kinabukasan. magkasamang nagtutungo sa tabing dagat at tinatanaw ang paglubog ng araw. magkasamang nagbibiyahe. masaya..naiinggit ako sa iyo, kasi masaya ka kahit wala ako. dahil ako, nahihirapan akong maging masaya pag wala ka.


Posted at 05:26 pm by siep
Make a comment  

Tuesday, February 13, 2007
song of the moment

"i'm a lonely tree
standing on a corner still
waiting for the summer day
but i can feel the rain..."

Posted at 07:18 pm by siep
Make a comment  

Sunday, February 11, 2007
Poste

Andito lang ako...
Lumingon ka man sa iba...
Tatayo lang ako dito...
Para pag napagod ka nang lumingon...
Alam mo kung san ka titingin...

Sana dito sa kinatatayuan ko...
Kasi andito lang ako...


Posted at 11:45 am by siep
Make a comment  

Sunday, February 04, 2007
pagbalik sa walang hanggan

dumadaan ang oras, at pinapalipas ko ang mga sandali... hindi ko alam kung magkakaroon ng 'sense' ang isusulat ko ngayon.natatakot ako na baka ito na ang huling pagsulat ko dito, dahil pagkatapos nito, baka kailangan itago ko na lang lahat ng aking nararamdaman... dahil ayokong may masaktan na mga damdamin, at ayoko ng muling masaktan...

minsan umaasa tayo sa mga bagay na akala natin ay naroon. nagtitiwala sa damdamin na sana totoo. sa kaisipan na sana sya na yun. pero muli, sa ika-sandaang pagkakataon nagkamali tayo... o iniisip na nagkamali tayo. dahil di natin alam.

nais kong mapalapit sa puso mo. nais kong malaman kung ano ang nilalaman ng isip mo at kung anong nararamdaman mo para sa akin, sa sitwasyon natin. minsana masaya ako sa mga nangyayari sa buhay natin, sa mga simpleng bagay na pang karaniwan na siguro sa iyo. pero minsan nalulungkot ako... hindi mo lang alam... kasi marami pa akong di alam, at minsan natatakot ako kung malalaman mo...

yun naman ang kinakatakot nating lahat, ang katotohanan. dahil yun ang masakit. pano kung ganito? pano kung ganyan? pero di mo maiiwas sa akin ang mag-isip, ang magtanong. sana nga di na lang ako ginawang ganito...

hindi ko masabi ang gusto kong sabihin sa nobelang ito, dahil hindi ko alam. hindi ko magawang buksan ang saloobin ko sa kung sino man dahil di ko alam kung may makakintindi. nababaliw na yata ako. hindi ko alam.

babalik na naman ba ako sa walang hanggang kalungkutan. pero sa pagkakataong ito ay dulot ng isang damdamin na di ko sigurado.

kung kaya kong sabihin ng diretsahan, sasabihin ko ang saloobin ko sa iyo. pero di ko kaya. mahina ako sa mga ganitong bagay. mas nanaisin ko pang daanin sa mabulaklak na mga salita at itago ang tunay na kahulugan ng sulat na ito, kesa malaman mo. at malaman ko kung ani ang iniisip mo, ang nasa puso mo.

natatakot ako. nasasaktan. umiibig pero nasasawi...


Posted at 04:18 pm by siep
Make a comment  

Wednesday, January 31, 2007
YENG ROCKS

Bought Yeng's CD kahapon sa Astroplus sa SM Makati.. that was unplanned, kasi i really went to glorietta to buy Zoids, pero narinig ko dun sa store ung song ni Yeng na Hawak Kamay (Ung Kasal Kasali Kasalo version) and i think mas maganda yung pagkakaarrange nun..so thinking na nasa CD ni Yeng yun (Yeng's 1st album is titled Salamat), i bought the CD na.. pero may other version pa pala dun ng Hawak Kamay.. (So bale, may 3 versions, ung acoustic, ung sa movie, tsaka yung sa album)

I can say that I AM NOT DISAPPOINTED sa CD ni Yeng.. for me solid ung music nya, magaganda ang lyrics at ang galing ng arrangement. I thought at first na baka mag mukhang filipino version ni Alanis or Avril si Yeng, BUT NO! Astig yung album and i recommend it if you like easy listening music. DI xa mellow at di rin sya heavy. Easy lang :)

Fave ko yung SALAMAT (song/composition ni Yeng for the Grand Dream Night sa PDA) ang ganda nung song, u can really feel the emotion sa lyrics at sa rendition ni Yeng. For the ladies if ever you but the CD, listen to TIME-IN, hehe i know a lot of you can relate to the song.

SALAMAT

by: Yeng Constantino

kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mong ika'y bahagi na
Ng buhay ko at kung may huling sasabihin
nais kong sambitin
nilagyan mo ng kulay ang mundo

Kasama kitang lumuha
dahil sa iyo'y may pag-asa

Ang awiting ito'y para lang sa'yo
At kung maubos ang tinig 'di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat

Sana'y iyong marinig ang tibok ng damdamin
Ikaw ay mahalaga sa akin ang awiting ko'y
iyong dinggin
At kung marinig ang panalangin
Lagi kang naroroon humihiling ng
Pagkakataon

Masabi ko sa iyo ng harapan
Kung gaano kita kailangan

Ito na ang pagkakataon
Walang masayang na panahon
Mananatili ka sa puso ko kailanman
Para sa iy'oy lalaban
Ako'y lalaban


Posted at 06:37 am by siep
Make a comment  

Next Page




this blog is maintained by : siep


if by any chance you visited this blog, please leave a message at the TAG BOARD below...thanks



haven't figured it out yet




   

<< October 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed